Tagalog Corner
|
Welcome to the Tagalog Corner page. Herein are expressions of faith and personal testimonies of FPBC members and friends inscribed in “tagalog” - the national language of the Philippines . We hope that this will encourage our Filipino brothers and sisters, whatever situation of life they are in and wherever they are in this world, always remembering that our God is faithful.
|
BANYUHAY (Bagong Anyo Ng Buhay)
![]() |
katha ni Amor Ballestero |
| FPBC Deakono | |
Nang unang pumintig sa sinapupunan
nitong aking ina na siyang nagsilang,
Biyaya ng buhay aking naranasan
buhat sa Maykapal na Siyang lumalang.
Taon ay lumipas, isip, lakas taglay,
Matiyagang tinahak ang landas ng buhay.
Isang katanungan, hanap kasagutan,
"Bakit ba nilikha, anong kabuluhan?"
Hanggang isang araw aking nasumpungan
Pag-ibig ni Kristong banal at dalisay.
Nakitang ang buhay mayro'ng kahulugan
kung ito ay tanging sa Diyos inalay.
Buhay Kristiano nga'y isang bagong buhay
Ganap sa pagsunod, tiwala'y matibay.
Sandata't kalasag, handa gabi't araw,
Hindi patatalo sa diablong kaaway.
Ngayon bawat saglit, paglipas ng araw
Galak at pag-asa ay nag-uumapaw,
May kapayapaan at kasiguruhan
Na 'di magmamaliw bagyo ma'y dumaan.
At kapag dumating itong kamatayan,
humarap sa Diyos 'di katatakutan;
Batid na 'di wakas ang patutunguhan
kasama si Hesus magpakailan pa man.
![]()
Hango sa 2 Corinto 5:17
"Kung sino man ang na kay Kristo, siya ay bagong nilalang.
Ang luma ay nawala na, ang bago ay narito na."
![]()

